MANILA - Nagpatuloy Linggo ang pagsira ng mga awtoridad sa tinatayang P1.04 bilyon halaga ng marijuana na nakatanim sa Tinglayan, Kalinga.
Natagpuan ang walong ektaryang marijuana plantation sa Mount Chumanchil noong nakaraang Lunes.
Dahil sa lawak ng taniman, sinasabing maaaring abutin pa ng Miyerkules bago matapos ang pagsunog dito.
Hinihinalang mga residente din sa lugar ang nagtanim ng mga naturang marijuana.
Ayon kay Chief Supt. Elmo Sarona, hepe ng Cordillera police, hindi nila mahuli ang nagtanim ng mga ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Pagmamay-ari ng gobyerno ang lupang tinaniman.
Loading...
Post a Comment