SULTAN KUDARAT - Nahuli ang 16 na magkakamag-anak sa isang drug raid ng pinagsamang pwersa ng mga pulis para maaresto ang isa sa pinakamalaking supplier ng droga sa Isulan, Sultan Kudarat.
Nasamsam ng mga awtoridad ang 39 na piraso ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang halaga ng P1.4 million.
Nakuha rin ang mga post-dated cheques na may kabuuang halagang higit na apat na milyong piso, ATM cards, at iba pang mamahaling gamit at gadgets ng mga suspek.
Nakatakas naman ang dalawang target ng mga pulis na sina Kagi Makre Tamondong at Aminah Nandang Tamondong.
Ayon sa hepe ng Isulan Police na si Supt. Joefel Siason, mula pa sa Maynila ang dalawang suspek na kumuha pa ng kanilang suplay na droga nang isagawa nila ang raid.
Tatlong buwan pa lang umano simula ng lumipat dito ang mga suspek mula Maynila kasama ang 16 na naaresto ng mga pulis.
Sila rin ang nagsusuplay umano ng droga sa mga katabing probinsiya sa Mindanao.
Pero bago pa man nagsagawa ng operasyon ang mga pulis, sumuko na ang mga suspek sa otoridad nitong Biyernes at nangakong magbabagong buhay.
Loading...
Post a Comment