0
SOUTH COTABATO - Nasa 140 na pamilya sa Polomolok, South Cotabato ang inilikas Biyernes ng gabi dahil sa panganib na maaring idulot ng isang lumalaking sinkhole.
Nasa 50 metro ang lawak at 40 metro ang lalim ng sinkhole sa Purok Maunlad, Silway 8, katabi ng Honeyville Subdvision. Inaasahang lalawak pa ito dahil sa patuloy na pag-ulan.

Sa Silway 8 Elementary School muna ang pansamantalang tahanan ng mga residente na agad lumikas matapos abisuhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na lisanin muna pansamantala ang kanilang mga tahanan.
Ayon sa ilang residente, mas mainam na lumikas sila kaysa raw na malibing sila ng buhay.
Blangko pa ang mga otoridad sa ano ang sanhi ng biglang pagguho ng lupa. Ngunit kwento ni barangay captain Nilo Gumbao, dati nang may butas ang lupa na dinadaluyan ng tubig mula sa bukid.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa sinkhole. Namigay na rin ng relief ang goods ang local government unit sa mga evacuees.
Loading...

Post a Comment

 
Top