PANGASINAN - Patay ang isang 29-anyos na lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis Biyernes ng gabi sa Urdaneta City.
Nakilala ang suspek bilang si Francis Omillo, na kabilang umano sa drug priority target list ng Philippine National Police.
Ayon sa awtoridad, nagpositibo ang isinagawa nilang drug buy-bust operation pasado alas-10 ng gabi sa isang motel.
"Papasok na kami sa kwarto niya kasi nag-positibo na yung test buy pero pinaputukan niya yung tropa kaya pinaputukan na rin siya," sabi ni Police Superintendent Jeff Fanged.
Madalas umano sa mga motel nakikipagtransaksyon ang suspek na matagal din minanmanan ng awtoridad.
Narekober sa crime scene ang pitong sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre .45 na baril at mga bala.
Ayon naman sa kinakasama ng suspek, plano na raw sana niyang sumuko sa pulis.
Isasailalim naman sa autopsy at paraffin test ang bangkay ng suspek.
Loading...
Post a Comment