Bugbog at muntik magahasa ang isang 26-anyos na guro na dumalaw sa puntod ng kaniyang ina sa isang sementeryo sa Bayambang, Pangasinan.
Sa ulat ni Claire Lacanilao ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas nitong Martes, ikinuwento ng biktima nagtitirik siya ng kandila sa puntod ng kaniyang ina nang dumaan ang salarin.
Bigla lang daw tinakpan ng salarin ang bibig niya at inuntog siya sa nitso at hinila sa isa pang mababang nitso kung saan inuntog muli siya at tinangkang halayin.
"Tinakpan niya po ung bibig ko tapos inuntog niya ako sa nitso. Tapos hinila-hila niya na ako [sa] mababang ntso, tapos sinakyan niya na po ako. Inuntog-untog niya yung ulo sa nitso saka binugbog," lahat ng biktima.
Sa kabila nito, hindi napanghinaan ng loob ang biktima at patuloy nanlaban at kinagat ang salarin hanggang sa makatakas siya.
Nagkataon naman na papasok na rin sa sementeryo ang ama ng biktima at nakita nito ang duguang anak at humihingi ng tulong.
Inilabas na ng Bayambang police ang artist sketch ng suspek na base sa paglalarawan ng biktimang guro.
Tinutugis na ngayon ng mga awtoridad ang suspek. -- FRJ, GMA News
source: GMA news
Loading...
Post a Comment